|
more than a month ago, October 18th nun, i remember it so well kasi the previous day was Raymond's b-day. at medyo sira ang tiyan ko the next day dahil dun sa palabok na handa ng kapatid ko. ewan ko nga ba kung saan nila nabili 'yun. eniweis, i still went to work kasi i thought ok na 'yung tiyan ko. ang ganda pa nga ng pagpasok ko 'coz nakasalubong ko 'yung near-to-being-a-crush ko.. (labo ba? hindi ko pa kasi talaga kras before) and that instant niya lang talaga ko nabati slash pinansin. he started as utility sa office nung Oct. 3. (quick check sa date ng 1st travelling allowance niya.. hehe!) sa Abacast kasi, priority 'yung mga seaman na nag-serve as utility kaya may mga nagtitiyaga talaga sa job na 'to. dati ko pa naman siya napapansin but not like i noticed him today. naks! may ganung level eh noh?! let me explain.. ayun nga binati niya ko ng "good morning ma'am." parang nun ko lang ata siya nakitang ngumiti. at "ahem" ang cute ng smile niya.. lolz! so nun pa lang medyo gumaan na pakiramdam ko. 'yun nga lang full-blown na ang sumpong ng tiyan ko when it was near lunch break. libre pa naman ang lunch nun ng principal company namin. sobrang kawawa talaga ko nun at napilitan akong magpaiwan na lang sa office habang 'yung officemates ko eh nag-e-enjoy sa eat-all-you-can. but before leaving, Nina told me to try drinking warm water para di masyado humilab ang tiyan ko. paano kasi nakadalawang Diatabs na ko eh, di na-carry. hehe! as soon as i was left sa office kasama 'yung mga utility diretso ako sa pantry para uminom ng mainit na tubig. pinilit ko na nga lang talaga ubusin 'yung isang tasa. buti sana kong flavored eh, eh tubig lang talaga daw. ahehe! (namili pa daw eh noh?!) eniweis, while i was there, practically contemplating on my bad luck.. may photocopy naman nun si kras. i knew this kasi medyo nakabukas 'yung pinto at 'yung xerox machine katabi lang halos ng pantry. and napapansin ko tinitingnan niya ko and i was mildly surprised ng nagsalita siya. super tahimik din kasi ng taong 'yun. sabi niya bakit daw di ako sumama, nag-da-diet daw ba ko. well, i had no excuse on passing up a freebie kaya sinabi ko 'yung totoo na masama ang tiyan ko. even when i finished up, andun pa din siya sa may photocopy machine kaya siya naman ang tinanong ko. i asked kung nag-lunch na siya kasi napansin ko andami niya kelangang i-xerox. he said hindi pa nga daw baka pag bumalik na 'yung mga nag-lunch out dun pa lang sila kakain ng ibang utility. i asked kung sila din lang ang bumibili ng food nila, oo nga daw. grabe naman, nun ko lang nalaman 'yun. imagine, they only get P100/day as travelling allowance, sobrang pagod pa nila everyday. maaga na sila pumapasok, sila pa 'yung pinakahuling uuwi. okei, back to my story, i noticed na 'yung part na xerox ni kras eh 'yung documents niya. nabasa ko kasi 'yung hawak niyang envelope with his name on it. i asked kung bago lang ba siya sa Abacast. meron kasing ibang utility na nakasakay na before eh. bago pa nga lang daw siya. then i asked kung taga-province siya at kung san siya nag-stay dito sa Manila. he said na dito daw talaga siya sa Manila nag-stay. sa kapatid niya daw, at inter-island lang siya for 7 years. naalala ko tuloy tanungin kung "Jofer" ba talaga ang spelling ng name niya. ako kasi ang gumagawa ng petty cash replenishment schedule at dun sa voucher "Joefer" ang palagi kong nakikita. i even showed to him 'yung vouchers with his name on it. siyempre at this point eh lumipat na kami sa desk ko. hehe! wala pa nga daw siyang barko, but i pointed out na naka-assign siya sa "Balsa 58". baka daw kunwari lang 'yun for processing purposes. pero nasabi nga din daw sa kanya na November ang alis niya, hindi niya pa lang alam kung anong barko. just then, sumingit 'yung bading naming janitor. and started gibbering about his Pag-ibig application. kulang na nga lang sabihin ko na lunch time pa nun eh. but i had an idea kung bakit bigla na lang siya lumapit sa amin. notorious 'yun sa pag-flirt sa mga seaman eh.. pramis! lalo na sa mga nagiging utility namin. he didn't like the idea na kami lang dalawa ng kras ko ang nag-uusap. buti na nga lang the whole time na kausap ako nung janitor eh di umalis si kras. he only left nung may naalala siyang gawin. halfway through lunch break nung naisip ko na bumili ng Gatorade, the warm water didn't help much eh. palabas na sana ko nung napansin ko na papunta si kras sa direction ko. hindi ko naman siya tinawag ha. magmamadali nga lang sana ko sa pagbili kasi baka bumalik na 'yung mga kasama ko. mahirap na baka isipin nilang di ako sumama sa kanilang mag-lunch at may sarili akong lakad. then he asked kung may papabili ako, sabi ko wala naman may bibilhin lang ako sa labas. sabi niya siya na lang daw bibili. he really insisted kahit i refused twice or three times already. di din kasi ako sanay na inuutusan ang mga utility. eh mapilit siya. hehe! when he got back with the Gatorade, binigyan ko na lang siya ng Cream-O na baon ko. ayaw niya nga tanggapin nung una eh, sabi ko na lang di ko na din naman 'yun makakain at hindi pa nga din siya kumakain that instant. ayun, kinuha na din. hehe! pagkaupo ko dun ko lang nabuksan 'yung plastic bag ng Mini Stop. there was my Gatorade, plus a straw. if i was a bit pale 'coz masama pakiramdam ko, i suddenly felt myself blushing. sobrang gumaan ang feeling ko nun. na-tats talaga ko dun! i know you don't get to buy a Gatorade with a straw ha.. so it only means talagang hiningi niya 'yun para di na ko mahirapan uminom.. grabeeeee!! to the highest level naman akong kinilig nun.. hahaha! my near-to-being-a-crush became a real crush from then on. nag-message nga ko agad kay Diane, who works at Abacast Travel naman (just a floor apart from Abacast Shipping). buti na nga lang at nakabalik na siya agad sa desk niya nun. kaya ayun, meron akong kasabay na kinikilig.. hehe! even nung uwian na, kinamusta ako ni kras and said 'ingat'. oh di ba? kilig day talaga.. sadly nga lang, that was the only time na nag-bonding kami ni kras. may mga times lang na nakausap ko siya sandali but that was because may pinagawa lang ako sa kanya. as of last Saturday (Nov. 17), umalis na siya. i don't know when ang balik niya eh.. =/ |
| skye January 14, 2008 03:27 PM PST kilig. | ||
| Leave a Comment: |