|
looks yummy right? pero hindi pala.. first sip ko pa lang eh halos isuka ko 'yung nalasahan ko.. yaaakkss! i was never fond of tea (the real kind, hindi 'yung like ng iced tea). and 'yung Nai Cha was *ugh!* true to the taste of tea. ang kaibahan lang siguro eh malamig siya, unlike 'yung tea na sine-serve sa mga Chinese restaurant. last Tuesday (Sept. 18), nasa SM San Lazaro kami ni sister. naghanap talaga ko ng susuotin on Friday. ergo, i wanted to find something red. hahaha! after namin manggaling sa sangkatutak na stores, we had no luck at niyaya ko muna si Abbie na mag-dinner. i ordered 'yung Spicy Chao Fan at si Abbie, Wanton Noodles. 'yung drinks sana namin eh 'yung Black Gulaman kaya lang di daw available. naisip ko mukhang ok naman 'yung Nai Cha as an alternative. hindi pala.. ni hindi nga ko nangalahati dun sa drinks ko. i finished up my food then sabi ko kay Abbie bibili ako ng Kiwi Green Tea sa may Nutrilicious. i wanted to make it up kay sister kaya 'yun sana bibilhin ko. (if you haven't tried 'yun, you're missing a lot!) kaya lang, as always, ang nauubos agad eh 'yung Green Tea. umorder na lang ako ng regular iced tea. sarap din pala nun! and it washed down 'yung aftertaste ng Nai Cha. pinilit pa nga actually ni Abbie na ubusin 'yung Nai Cha niya pero sabi ko 'wag na. sayang daw kasi. eh kung ako nga di ko na ginalaw ulit 'yung sa 'kin. hehe! pero kung ikaw eh mahilig sa tea, malamang maging fave mo 'to.. hehe! sa paghahanap ko kasi ng pic ng Nai Cha ng Chowking eh madami ako nabasang raves about this drink. pero wala ko nakitang pic online kaya pina-send ko pa kay Abbie 'yung inupload ko sa PC namin sa bahay. (as i'm doing this post sa opis! hehe!) so 'yun, kung gusto mo pa din i-try, 'kaw bahala.. hehehe! :p sabi ko nga kay Abbie, in any consolation, at least nasubukan namin pero hinding-hindi na ko uulit. hahaha! |
| Leave a Comment: |