mula pa nung Friday night, madaling araw (meaning: the following day) na ko nakakatulog. like one of my friends said, ang ligalig ko daw kaya di ako dalawin ng antok. sobrang na-upset kasi ako nung Wednesday pa. di ko kasi malaman why Apol's indifferent with me. parang i did something wrong, but i haven't seen her lately. so i really have no idea bakit ganun na lang siya.
last Wednesday kasi, nagpunta kami ng UST ni Abbie to check kung may mabibili pang tickets sa cheerdance competition ng UAAP. we had no luck, but stayed na din kasi nag-OT nun sina Apol at Jen. eh nag-crave ako na mag-Ice Monster kaya niyaya ko muna si sister. binili na lang din namin ng food sina Apol.
ok lang naman kung tanggihan niya 'yung RBX na dala ko. pero halos ilayo niya sa kanya 'yung hawak ko like it was something contagious. she really didn't touch the food, sabi niya masakit daw tiyan niya. pero ayos lang sa 'kin 'yun, choice naman niya kung ayaw niya kumain. 8pm na nung natapos ang OT nila at sabay-sabay na kami umuwi. palabas na kami ng hospital nung naalala ni Jen na may nakalimutan siya sa office. so bumalik sila sa Accounting ni Abbie, at naiwan kami ni Apol sa may exit.
even nung palabas nga kami di niya ko sabayan maglakad. it was so awkward being there.. i would have given anything just so i could teleport myself somewhere else. Apol was too quiet. nung sabi ko na umupo muna siya kasi nga masakit ang tiyan niya, ayaw niya. at ok naman na daw siya. naisip ko nga tuloy na di talaga masakit ang tiyan niya eh. ako na nga lang daw umupo, sabi ko naman di naman siya uupo kaya ayoko na din. so we stood there. in silence.
i forgot to mention na medyo nasa gitna kami nakapwesto nun at kind of nakaharang kami sa daanan ng tao. but since Apol was standing dun, di na din ako umalis. kahit nabubunggo na ko ng mga dumadaan. without a word, nagpunta si Apol in a corner by the stairs. it was more like she wanted to get away from me, kaya di ko na siya sinundan. i pretended to look at the image of Martin de Porres or dun sa bulletin board malapit sa 'kin. when actually, i was looking at her through the glass mirror. wala. we waited for a few minutes but it felt like we were there far too long.
tapos nitong Friday, i met up with Abbie sa UST ulit kasi nakipagkita siya kay Sheggz (another fanatic of PBB). humingi kasi ako ng tickets sa kanya sa PBB concert nitong Sept. 15 sa Araneta Coliseum. sabi ni Abbie, umalis din daw agad si Sheggz kasi may imi-meet pa sa ABS-CBN. pero kasama niya daw 'yung iba pa naming kakilala sa USTH. thinking na wala naman si Apol, nag-dropby na ko. gusto ko kasi muna umiwas sa kanya kasi mukhang ayaw niya ko makita or makausap.
mula nung kumain sila sa Hot Shots, then dun sa nanood kami ng event ng college ng A.B. sa harap ng Main Building, until pag-uwi na eh di kami nag-uusap. ang saya noh? ang lapit pa naman ng birthday ko tapos.. hayy.. nung Wednesday nga, naiyak ako e. tinanong ko ni Abbie kung bakit, pero di ko na siya nasagot. what's worse eh nung Friday parang ako 'yung galit sa kanya or something. huh?! sabi pa sa 'kin ni Jen, pag nakita ko ulit si Apol pansinin ko daw siya at di 'yung ignore ko siya. i explained everything to Jen, at naguluhan siya kasi iba daw version ng kay Apol. parang pag-baligtarin lang daw ang pwesto namin at pareho kami ng rison. huwaaatt?!?!?! hindi ko talaga maintindihan! =/